Download Shortchanged (Documentary of Howie Severino] 2 video

Download Shortchanged (Documentary of Howie Severino] 2 video on savevid.com

Download Shortchanged (Documentary of Howie Severino] 2 streaming video in flv, mp4, avi formats direct easily on Savevid.com.

 

Shortchanged (Documentary of Howie Severino] 2

  • Share:
                    
  • Provider: YouTube Link: http://www.youtube.com/watch?v=PXVebYI21ts
  • Rate: Please rate this video Views: 1 Downloads: 3
  • Description: Shortchanged (Documentary of Howie Severino]

    Filipinos like to scare themselves with ghosts, especially around this time of the year. They imagine ghosts in places where people died, like homes and buildings.

    Howie Severino's documentary tackles the deaths that have occurred in cars. In an impounding center for car wrecks, the ghosts of the dead supposedly lurk amid the debris of their last rides.

    Yet the proven killers in our midst seem to inspire little fear, as reckless drivers kill thousands each year, including themselves, and pedestrians innocently expose themselves to the danger of speeding vehicles.

    Government has done little to curb the hazards on our streets and one of the leading causes of death in the Philippines. Howie Severino and his team visit the families of several road victims, dissect the crashes that devastated their loved ones, and learn that there are many ways to die on Manila's streets.

    = = = = =
    AGRABYADO

    Posible nga kayang manatili ang kaluluwa ng tao sa mga sasakyang naging biktima ng malagim na aksidente? Sa bawat istorya ng trahedya ng mga nadisgrasyang sasakyan sa mga impounding area, may mensahe raw na nais ipabatid ang mga naagrabyado sa mundo ng tao. Habang may naniniwalang maaaring mangyari ito, isang paghimay sa anatomiya ng aksidente ang isasagawa ni Howie Severino.

    Higit pa sa ilang malalang sakit ng tao, panglima sa may pinakamaraming kinikitil na buhay ng Pilipino ang aksidente sa kalsada. Isa ang pamilya Morfe ng Payatas ang makapagpapatunay kung gaano kapait ang maging biktima nito. Habang naglalakad sa kalsada ang magkapatid na Jessa at Grace, inararo sila ng isang rumaragasang jeep. Nakaligtas ngunit permanente ng pilay si Jessa habang si Grace, nagkalasog-lasog ang katawan na agad ikinamatay nito. Nakatakda na sanang umalis papuntang Amerika si Grace para magtrabaho isang buwan bago mangyari ang aksidente.

    Ang pamilya San Juan naman, hindi makapaniwalang sa telebisyon pa nila nabalitaan ang aksidenteng sinapit ng bunso nilang anak na si Jeffrey. Dahil sa lakas ng pagsalpok nito sa poste ng MRT sa EDSA, wasak na wasak ang kotse ni Jeffrey at nahirapan ang mga sumaklolo na hanguin siya sa kanyang nayuping sasakyan para mabigyan ng pangunahing lunas. Aminado ang pamilya San Juan na nakainom ng kaunting alkohol si Jeffrey pero hindi raw sana nangyari ito kung hindi ginitgit ang kanilang anak ng mga rumaragasang bus sa madaling araw.

    Pero may mas hahabag pa ba sa mga biktima ng aksidente na hanggang ngayoy hindi pa rin nalalaman ng kanilang kaanak ang sinapit ng kanilang mahal sa buhay? Sa isang punerarya sa Makati, ilang bangkay na biktima ng hit-and-run ang naghihintay tubusin ng mga kaanak bago tuluyang ilibing sa hukay. Ang problema, dahil sa halos durog durog na rin ang kalagayan ng mga bangkay, wala kahit isang identipikasyon ang mga ito.

    Sa pag-aaral ng mga eksperto, kondisyon ng sasakyan, kalsada, kapaligiran at tao ang mga karaniwang sanhi ng aksidente sa kalsada. Sa apat na ito, alin nga ba ang tunay na salarin na pangunahing sanhi ng pagmumulto ng mga agrabyado? Ang makapanindig balahibong katotohanan sa panay-panay na aksidente sa kalsada, tatalakayin ng award-winning journalist na si Howie Severino sa kanyang dokumentaryong "Agrabyado," ngayong Lunes ng hatinggabi sa I-Witness
  • Tags: , 1o26o9iw
  • Category: Flag video Video Blogs